Para Kay "Superman"

Folder: 
2007-2009 Poems

Nakakasawa ang ganito.

Walang kwenta pero meron.

Walang silbi pero mahalaga.

Malakas, matapang,

Pero parang Malaking Tanga.



Ayaw na ngang pag-usapan,

Iniiwas-iwasan.

Bakit binabalik-balikan?

Tapos na nga di ba?

Bakit hihirit pa?



Nakakainis, pero di matiis.

Nakaka-awa, wala namang magawa.

Paano iiwan ang nasasaktan?

Paikot-ikot lang,

Wala nang pupuntahan!



Si Malakas daw at si Maganda,

Iba ang istorya nila

Noong unang panahon pa

Masaya at tunay sa umpisa

Ngayon ay luma na...



Sabi mo gawin nating bago.

"Ako si Superman! Tignan Mo!"

Ano ba ko sayo??? Gago?!

Kung alam mo lang ang sariling istorya ko,

Baka mas maganda ang mundo mo.



Wala ng ulitan.

Huwag ng palitan.

Di din lang maiintindihan.

Papaano? Ni sa umpisa,

Di pinakinggan...



Naging bida ka din sa istorya ko,

Sana lang napansin mo.

Sa istorya ko, di ka sumisigaw ng "Saklolo!"

Di mo nabasa? Ah. Oo nga pala.

Kasi abala ka sa pagiging 'bida'.


Author's Notes/Comments: 

- Have nothing to do...so tried writing in Filipino. Can't remember the last time I wrote one. 26Feb2007

View angeljerlin's Full Portfolio
tags: