Kaibigan...

Folder: 
Poetry in Pilipino

nakikita ko pa rin

ang imahe ng kalungkutan

sa liblib ng kanyang puso

ang dati nyang kaibigan

na kanyang sinasandalan

ay tumigil na sa pagbabadya

ng kanyang katapusan

ngunit ito ay

hangad pa rin nyang makasama

upang may panangga

sakali mang talunin sya

ng nangingibabaw nyang

sigalot na nawili nang

manatili sa kanyang isipan.


View bazoora's Full Portfolio