hating-gabi

may kadiliman ang langit

may hiwaga sa iyong halik

may isang daang dasal

sa mga kandilang nakatirik



may mapaglarong dila

sa maiinit na hita

may hagod ng ligaya

sagad hanggang gitna



hati hating ang haplos

unti-unting inuubos

ang bugso ng hininga

ako ay iyong inaagos



napapawi ang luha

ng aking kaluluwa

buo ang aking pagkatao

ako'y inaangkin mo na

Author's Notes/Comments: 

... i am weakened by your kiss, i am enslaved by your touch ...

View jaela's Full Portfolio