Minsan

minsan pa

ako'y iyong hagkan

yakapin nang mahigpit

huwag bibitiwan



minsan, isang halik

ay sadyang masusundan

matatamis na sandali

ng iyong pagmamahal



minsan pa

sa ilalim ng buwan

walang pagkukunwari

walang hadlang



minsan, ikaw  

ikaw, at ikaw lang

ikaw lang, mahal

sa isipan ay ikaw lang



ang oras ay titigil

ang mundo ay tatahan

sa init na iyong dala

sa aking puso at katauhan



kadalasan, isang tula

ang aking mararamdaman

sa tuwing hihilingin ko

na maulit ang minsan

View jaela's Full Portfolio