yakap

ang puso ko'y naguguluhan

naliligalig, nagtatanong



nalalabuan sa mga sitwasyon

ngunit hindi humihingi ng



mga kasagutan



mga patunay



mga simbolo



ng iyong pagmamahal



ako'y walang nang kailangan pa



maliban sa iyong yakap



tahimik kong dinadama

ang tibok ng iyong puso

ang iyong malalim na paghinga



aking nilalasap

ang bawat sandali

na ikaw ay kasama



sa iyong yakap

ang mundo ko ay ikaw



ika'y akin lamang

at mahal kita

Author's Notes/Comments: 

... sa akin ang gabi ...

View jaela's Full Portfolio