pagsaksi

naglalarong dila

sa aking bibig

maalab,  mainit

ang yong mga halik

buhok ko'y nakalatag

sa damong malamig

katawan ay nasasabik

sa ilalim ng 'yong init



nais kong gumawa ng maraming alala

nais kong gumawa ng maraming eksena



kasama ka, kasama ka ...



hubad nating mga katawan

sabayang tinitikman

sasayawan pa kita

sabihin mo lang



basta't sayo ang awit ...



sa pagpasok ng tukso

at pagsabog ng pananabik



matamis na kinalabasan

sa ilalim ng langit



masarap at banayad

ang yong pag-ibig



umaagos ang pag-nanasa

sa aking dibdib



isa pang panaginip....



ibinulong ng aking puso

na mahal kita



narinig mo ba?



malamang hindi...

maging ako'y nabingi

sa init ng sandali



tahimik ang mundo

at ang gabi'y madilim...



sinaksihan ng mga bituin

ang ating lihim...

Author's Notes/Comments: 

... pag-alala sa isang masarap na simula ...

View jaela's Full Portfolio