pano mo mahalin (2-08-2005)

Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng humihinto ang mundo pag nandyan ang mahal mo,
ni sa pangarap di ko akalaing mangyayari ito.
dahil noon halos hanggang tingin lang ako sayo,
ngayon abot-kamay ko na ang taong pinapangarap ko.

di maipaliwanag na saya bumalot sa buong pagkatao ko,
walang araw na di kita iniisip di mabura ngiti sa pisngi ko.
sa sobrang saya,ang ikinakatakot ko,
ang lahat ng ito'y biglang bawiin mo.

ito ba ang kapalit ng paghihirap ko noon?
o pansamantala lng at babwiin mo rin ang saya na nararamdaman ko.
kung sakaling panadalian lng ang sayang ito,
lulubusin ko para sa pagdating ng araw na yun,may baon parin ako.

kung di mo pa alam ngayon sasabihin ko na nung una palang minahal na kita,
sa sobrang pagmamahal ako rin ang nasaktan,
pero ito nanaman sana this time meron akong aasahan.

salamat at pinadama mo sakin ito,
di mo lang alam abot langit ang ligaya ko.
kung darating man yung araw na bawiin ka ng tadhana sakin,
di ako magtatampo at least pinadama mo kung pano mo namn mahalin...

View i_am_grazie's Full Portfolio