bakit kailangang gumising pa?

Folder: 
Tagalog Poems

minsan di ko malaman anong plano ng mundo,
may makikilalang mga tao na di naman pala para sayo.
pinasaya ka lang ng panandalian,ang paglimot naman'y matagalan,
ano bang dapat gawin para di ka umaasa? san ba dapat lumugar para di na masaktan pa?

masaya sana sa pakiramdam,lalo na pagkasama mo sya,
gusto mo ng huminto ang oras,ayaw mo na syang bitawan pa.
tapos magigising ka isang araw panaginip lang pala,
gusto mo mang pumikit ulit,tapos na,pati sya wala na.

ang hirap intindihin,mga paliwanag naman ng iba di mo kayang tanggapin,
denideny ang bawat sakit,sasabihin sa sarili basta't andyan sya "kaya parin".
hihiga ka at pipikit nalang ulit..
magbabakasakali na mahanap ulit sya sa panaginip.

kalokohan na paulit ulit, pag-ibig na pilit inaangkin,
katangahan na nilulunok, para sa taong di ka kailanman mamahalin.
ano ba talagang plano ng mundo? palagay mo kasali ka pa kaya?
kung sa panaginip nalang tayo magiging masaya,bakit kailangang gumising pa?

Author's Notes/Comments: 

what can you say? that's just how the world works right?!

View i_am_grazie's Full Portfolio