Eksena

Folder: 
Tagalog Poems

Kung madali lang sanang kalimutan kaya lang pabalik balik,

kung pwede lang sanang burahin sa utak,kung sana'y pwedeng mawala sa isang pikit.

bakit ba ako yung nahihirapan,mukang sya ok naman,

saan ba ako nag kamali?  ano pa kaya ang kulang?

 

paulit-ulit na ganitong eksena,kabisado ko na mula umpisa hanggang dulo,

nakakapagod na,iisa din naman ang kwento,

parehas din naman ang ending,ako rin ang gago,

magpakatino o magpakaanghel man ako sa bait,iisa lang kinahihinatnan ko.

 

katangahan parin ba? yung limit ko sa sarili ko nilagpasan ko na,

para akong robot kung makasunod,pero talagang tinarantado pa.

ngayon pinaglalandakan na sa buong mundo relasyon nila,

anak naman talaga ng putang in*,durog pa ako,time out muna.

 

saya naman nila,tang in@,parang walang nasagasaan,

pirA-piraso pa ako oh,sila naman sagad sagad ang landian.

di man lang nagpalugit talagang di pa ako pinatapos umaray,

ngayon san ako maguumpisa? kung naghihingalo pa ako'y pilit na nilang pinapatay.

 

 

 

Author's Notes/Comments: 

TO HELL WITH YOU  "NOEL ACE YALONG"

View i_am_grazie's Full Portfolio