Kamusta

Kamusta? gusto ko sanang sabihin sayo,

kaso wag na lang, baka isipin mo papansin ako.

Naalala kasi kita nang di sinasadya,

bigla lang bumuhos ulit sa isip ko mga nakaraang 

malamang di mo na tanda.

 

Nakakatuwa at nakakaaliw,

di ko akalaing may mga eksenang muka pala akong baliw.

Baliw kasi masyadong pabebe ako nun diba,

andun ka na't lahat hinayaan pa kitang mapunta sa iba.

 

Kamusta? muka ka namang masaya,

ganun lang siguro talaga pinagtagpo pero di tinadhana.

O ako lang nagisip na parang meron tayo nun,

pero ang totoo lahat nang yun ay parte lang ng aking eksaheradang ilusyon.

 

Di ko alam basta bigla ka nalang sumulpot sa isip ko,

napagawa tuloy ulit ako nitong tula baka sakaling mabasa mo.

Kung sakali man, mangangamusta lang sana,

wala namang masamang intensyon, napasaya lang ako ng ating mga alaala.

 

 

Author's Notes/Comments: 

"Every now and then i found myself wondering about you baby.. "

 

-earth wind and fire

View i_am_grazie's Full Portfolio