Dating Tambayan at Gin pomelo

Folder: 
Tagalog Poems

malayo man pero ang ala-ala buhuay parin,

marami mang  bagong kakilala pero wala paring makakatumbas sa samahan natin.

kahit gaano pa kamahal ang alak ng bagong tropa,

hinahanap-hanap parin ang GIN POMELONG timpla ng dating barkada.



napadpad na halos sa lahat ng tambayan ng mga sosyal at cono,

pero di ko parin maiwasang pangaraping bumalik sa dating tambayan sa gapo.

mga simplen tao na ang gusto lang pagmagkakasama ay magsaya,

di mo kailangan pumorma ng mamahalin kahit nakapambahay ay ayos na.



sabi nila ang sosyal ko at bigtime na daw talaga,

pagimik-gimik sa makati,libis sakay ng kotse ng bagong tropa.

di nyo lang alam ang lungkot pag mga ganitong tao ang nakapaligid sayo,

kailangan mong makipagsabayan,miss ko na tuloy yung dating ako.



kaya di ko talaga maiwasang pangarapin ang dati,

simple natural walang pagkukubli.

pero kailangan sigurong masanay sa bagong mundo,

kahit pilit kong nililingon ang dating barkadang minahal ko.



ngayon ko napatunayang,di matutumbssan ng kahit anong luho sa mundo,

samahang binuo at pinatatag ng pagmamahal at di ng luho.

DATING TAMBAYAN sa gapo at isang petshel ng GIN POMELO,

priceless mga tol! kailanman di ko ipagpapalit to!

Author's Notes/Comments: 

fo' mah barkada in olongapo..mizs them a lot... :-(

View i_am_grazie's Full Portfolio