Panahon...

Folder: 
Tagalog Poems

sa paglipas ng panahon di mo akalain,

may mga pangyayaring mahirap unawain.

di ka naman pwedengpumili o kaya tumanggi,

tuloy parin ang buhay matalo man o magwagi.



may mga panahon na nais mong bumitiw,

sa mga problemang halos iyong ikabaliw.

pero pasasaan bat makakabawi rin,

may bukas pa,ang araw ay sisikat din



mahaba at matagal ang panahon,

pwede kang umahon o magpakabaun.

sa bandang huli sayo rin ang desisyon,

ikaw rin ang makakatapos ng iyong misyon.



sa paglipas ng panahon may patutunguhan pa ba?

kung ngayon palang di na halos makaya.

sa paliku-likong landas na ating dinaraanan,

magtataka ka pa ba kung dulo rin ang katapusan?


View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: