kahit na masakit...

Folder: 
Tagalog Poems

Ayoko sanang umiwas pero kailangan,

ang pagbale-wala ko sa nararamdaman ko`y

di ko kagustuhan.

mahirap kasing magmahal ng taong hindi mo

kayang maabot.

hindi ko talaga maintindihan bakit

pagmamahal mo saki`y pinagdamot.



Isipin ko man kahit kailan hindi ka

magiging akin,

puso ko naman pinagpupumilit ang nais

ng damdamin.

ipagsiksikan ko man ang sarili ko`y

kagaguhan,

alam kong sa bandang huli

wala akong maaasahan.



Uumpisahan ko na ang paglimot sayo,

marahil hanggang dito nalang ang

pantasya kong ito.

MAHAL KITA nang walang hinihintay na kapalit,

tanngap kong hanggang dito lang tayo,

kahit na MASAKIT....


Author's Notes/Comments: 

DM's tata is a dj and i dont know but i really really love himm *haaayy**

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: