""Nakalimutan kong Mag-DotA""

Hindi naman masama ang maglaro ng DotA

Wag lang araw-araw at ika'y mamumura

Ng iyong matapang at mapagmatyag na ina

At sa iyong tatay ay t'yak na malilintikan ka.



Si Lycantrophe, ang warewolf ng bayan.

Siya ay makunat at siguradong maaasahan.

Wag mo siyang hahamunin ng one on one

Maliban na lang kung matagal ang iyong stun.



Ubos naman ang iyong mana

Dito sa herong si Magina.

Kapag nakipaglaban ka sa kanya,

Siguraduhin mong may pantakas ka.



Isa rin sa mga gusto ko'y si lion

Lalo na kapag siya'y naka-Dagon.

Ang Aghanims pa ay naroroon

Siguradong patay ka 'pag siya'y hinamon.



Naku, heto na.

Kung ang buhay mo'y mahal mo pa,

Wag na wag kang magdoDotA

At siguradong maaadik ka.



Pero kung ikaw ay adik na

Sa paglalaro ng DotA

Gayahin mo ako na umibig sa isang tao

At ang paglalaro ng DotA'y nakalimutan ko.

Author's Notes/Comments: 

...para 'to sa mga kaklase kong lalaki na adik sa DotA at sa kaibigan kong nagcocoment sa akin at adik rin sa DotA...MAGBAGO NA KAYO!!!

View darklion's Full Portfolio
tags: