Kapirasong Langit



Kapirasong langit aking nadarama

Tuwing nauulinigan ang iyong halakhak

Musika sa hangin na nangungusap

Kasiyahang dala'y higit pa sa sapat.



Kapirasong langit tuwing nagdaraop

Mga palad nating inaakay ng panahon

Patungo saan man, di natin tanto

Pag-asa't pag-aasam ang nasa dako pa roon.



Kapirasong langit sa pagitan ng mga lambing

Kapag hinahagkan nang buong lakas ng mga bisig

Tila wala nang bukas kaya't namnamin

Bawat sandaling ako'y niyayapos, at matatamis na halik.



Ihip ng hangin sumasamyo sa aking pisngi

Mga matang nakatanaw sa kataasan.

Dito, dito sa aking kinalalagyan, lumalawak

Ang kapirasong langit, pag-ibig na wagas.



(Offered to Joe Enriquez, created April 13, 2008)

View ardythe's Full Portfolio
tags: