sa pangarap ko...

Folder: 
Tagalog Poems

siguro kontento na ako ng
pinapangarap ka,
dahil sa pangarap ko akin ka lang
at walang nang-aangkin iba.
hindi na ako naghahangad ng kahit konting
pagtingin mula sayo,
masaya na akong mahalin ka ng
wala sa kaalaman mo.


maraming nagtatanong,bakit?
anong meron ka?
hindi ko masagot,dahil hanggang ngayon
di ko lubos mabilang ang mga dahilan bat mahal kita.
ang sarap mong mahalin pero
ang hirap mong abutin,
para kang bituin sa langit na abot lang ng mga mata
kaya puso koy di na dapat pang paasahin.


masarap sa pakiramdam,walang katulad
kakaiba,
parang libo-libong anghel ang bumaba sa langit 
para papurihan ka.
di na ako magtataka bat maraming gustong mahalin ka,
mahirap makipagsabayan ayokong mapahiya.


pagsama-samahin mo man feelings nila di nila
mahihigitan ang feelings ko para sayo,
sa kanila panandalian lang 
sakin pang habambuhay ito.
kontento na ako sa pangarap ko,
di na ako maghahangad pa,
masaya akong mahalin ka sa mundo kong sayo'y
walang aangking iba.

Author's Notes/Comments: 

for ahriz...

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: