""Ako'y Isang Ulap""

Naisip ko, isang araw,

Katulad pala ako ng mga ulap

Lilipad-lipad, gagalaw-galaw

Minsan andiyan lang,

Minsan naman ay napapagod din

Minsan napapansin mo ako,

Lalo na kapag umuulan

Madalas kitang pinapayungan

Lalo na kung ayaw mong mainitan

Sinasalo ko lahat ng init

Wag ka lang mainis at magalit

Pero ni minsan ba ay naisip mo,

Naisip mo ba

Na mahalaga din ako sa buhay mo?

Gusto ko na talagang umalis

Pero kahit anong aking pilit

'Di ko talaga kayang iwan

Ang nag-iisa kong langit.

View darklion's Full Portfolio
tags: