Bayan Ko

[Sorry, no English translation available :(]



Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig ang sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko!  Binihag ka

Nasadlak sa dusa.



Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag

Ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumtya'

Pugad ng luha ko't dalita'

Aking adhika'

Makita kang sakdal laya'.

Author's Notes/Comments: 

Language:  Tagalog Pilipino.  :-)

View bluewave's Full Portfolio
Bryan Adam Tomimbang's picture

Gusto ko ng mga bulaklak...